Sarah, Richard laging ‘honeymoon’ ang awra

NI: VINIA VIVAR

Nakakatuwang pagmasdan ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil para silang bagong kasal parati.

Makikita sa kani-kanilang Instagram post ang mga escapades nila kasama siyempre ang dalawang anak. Mistulang laging nasa honeymoon sila sa kanilang sweetness.

Kahit ilang taon na silang nagsasama, napapanatili talaga nina Sarah and Richard ang init ng kanilang pagmamahalan. Well, hindi naman namin sila masisi dahil pareho silang super-hot pa rin as ever.

Si Sarah ay napapanatili pa rin niya ang kanyang kaseksihan kahit na nga ba 2 na ang anak niya. Same with Richard na ang gwapo-gwapo pa rin at parang bagets pa rin.

Imagine, nitong nakaraang birthday ni Sarah last October ay niregaluhan siya ng asawa ng mamahaling Jeep Wrangler na nagkakahalagan ng mahigit P4M.

Proud itong ipinost ni Sarah sa kanyang IG at aniya ay “speechless” siya sa gift ng mister.

Samantala, nadadalas lately ang outings ng Gutierrez family.Nitong huli ay nag-camping sila sa bundok at nag-surfing sa beach. Sa isang video na ipinost ni Sarah ay makikitang nasa bubong sila ng SUV na regalo ni Chard at buong ningning na naghahalikan.

Caption ni Sarah sa video, “you are my high.”

Super-sweet!

The post Sarah, Richard laging ‘honeymoon’ ang awra first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments