Tulog na erpat niratrat katabi mga anak

Palaisipan sa mga awtoridad ang pamamaslang sa isang 44-anyos na lalaking pinasok sa loob ng tahanan nito sa Purok 4, Brgy. Inanama, Llanera, Nueva Ecija, madaling-araw ng Todos Los Santos.

Ang naihabol na paglalamayan sa Undas ay si Alberto Jacob Francisco, na nagtamo ng maraming tama ng baril at nasawi noon din.

Sa pagsisiyasat ni P/Cpl. Michael Ganao, mahimbing na natutulog si Francisco, katabi ang mga anak na lalaking edad 7 at 11 nang pasukin ng dalawang armadong salarin.

Sa mukha at dibdib binoga ang biktima. Nabatid na nagtatrabaho sa ibang bansa ang asawa niya.

Mabilis namang tumakas ang mga salaring sakay ng motorsiklo patungong Rizal, Nueva Ecija. (Jojo de Guzman)

The post Tulog na erpat niratrat katabi mga anak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments