P480K pekeng pera natisod ng BSP

Mahigit 500 pirasong pekeng pera ang nakumpiska ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pitong enforcement operation na isinagawa nila mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ayon sa BSP, P480,000 ang halaga ng mga pekeng pera kung totoong pera ang mga ito. Sabi ng BSP, 14 sa 16 na inaresto sa operations ang mga miyembro ng sindikato at sinampahan na ng mga kasong kriminal.

Bukod sa pekeng Philippine peso notes, may kinumpiska rin ang BSP na mahigit sa 200 pirasong foreign banknotes.

Ang parusa sa pamemeke ng piso ay kulong na 12 taon at isang araw at multang hanggang P2 milyon. (Eileen Mencias)

The post P480K pekeng pera natisod ng BSP first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments