Judge kinaladkad ng scammer

Ni Nancy Carvajal

Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga target ng mga operasyon na iwasan ang pagbabanggit ng pangalan ng mga kamag-anak na public figure dahil madaragdagan lang ang kanilang paglabag.

Ito, matapos arestuhin ng NBI-Special Action Unit nitong Biyernes si Arthur Monares Lope sa isang entrapment operation para sa robbery and extortion sa isang mall sa Pasig City.

Habang dinadakip, binanggit ng suspek na siya ay pamangkin ng isang hukom ng Regional Trial Court. Bukod dito, nilista rin niya ang ilang pangalan ng mga umano’y kontak niya sa bureau.

“We urge subjects not to drop names of so-called powerful relatives because it will not help them, a possible intimidation case could be added to offenses,” saad ng isang ahente ng NBI.

Nag-ugat ang pagdakip kay Lope sa isang reklamo na inihain sa NBI-SAU para sa sinasabing paghingi niya ng P150,000 upang maaresto ang isang lalaki na nanloko sa complainant.

Ayon sa biktima, P115,000 na ang binigay niya kay Lope ngunit walang aksiyong naganap sa kanyang reklamo.

“According to the complainant, the subject told him that the money will be paid to agents who will carry out the entrapment of his scammers,” ayon sa NBI report.

Nagpasya ang biktima na dalhin ang kanyang kaso sa NBI nang hindi na tumugon ang suspek sa kanyang mga tawag.

Samantala, nirekomenda ng NBI-SAU ang paghahain ng mga kasong robbery, extortion, at usurpation of authority laban kay Lope.

The post Judge kinaladkad ng scammer first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments