Lacson-Sotto: Mga troll niyari ng Google

Aprub sa Lacson-Sotto tandem ang anunsiyong Google na ipagbabawal ang pagpapalaba ssa kanilang mga platform ng political advertising para sa halalan na idaraos sa Mayo 2022.

Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, presidential bet ng Partido Reporma, yarisa Google ban ng mga political ad ang mgatroll na naglipana sa social media dahilmalaki ang naitutulong nito para maalis angmga fake news.

Panahon na aniya para kumilos ang mgasocial media company laban sa mga troll nanagpapakalat ng mga ma­ling impormasyonlaban sa mga kandidato.

Ginawang halimbawa ni Lacson sa Australia kung saan mayroon aniyang panukalang bataspara hubaran ang mga troll sa pamamagitanng pagpapaako ng responsibilidad sa mgasocial media firm katulad ng Facebook at Twitter para matukoy ang mga ito.

Kaugnay nito, tiniyak ni Lacson na kanilangipagpapatuloy ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panga­ngampanya sa mataas na antas ng diskusyonukol sa mga isyung may kinalaman sa bansasa halip na sumawsaw sa maruming batuhangaya ng ginagawa ng ilang politiko.

“We stick to issues. We have never ‘played safe’ in our public service career. We always take the risk no matter who gets hurt,” sabi ni Lacson.

The post Lacson-Sotto: Mga troll niyari ng Google first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments