DAR chief tinamaan ng coronavirus

Inanunsiyo ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na nagpositibo siya sa COVID-19 at kasalukuyang naka-home isolation.

Ginawa ni Cruz ang pahayag sa pamamagitan ng isang DAR memorandum kung saan ibinunyag nito ang resulta ng kanyang RT-PCR test na positibo siya sa coronavirus.

Natanggap umano ni Cruz ang resulta ng COVID test sa kanya isang araw bago ang kanyang pagdalo sa nakatakdang pamamahagi ng lupa sa Oriental Mindoro.

“I am very thankful that I remain asymptomatic. I am in quarantine now and following the established health protocols to protect everyone,” lahad ni Cruz sa kanyang memorandum na may petsang Enero 17, 2022.

Sa kabila nito, tiniyak ni Cruz na magpapatuloy ang DAR sa paglilingkod sa mga magsasaka at iba pang stakeholder nito dahil magtatrabaho pa rin siya kahit nasa bahay lamang. (Prince Golez)

The post DAR chief tinamaan ng coronavirus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments