Ang Saribuhay ng Pilipinas

Kapag sinabing Enchanted Kingdom, ang unang pumapasok sa isip natin ay rides, roller coaster, pagkain at family bonding.

Pero ngayong 31st anniversary ng EK, may dagdag na dahilan para pumunta rito.

Hindi lang para magsaya, kundi para mas makilala at mapahalagahan ang ganda ng Pilipinas.

Ngayong Oktubre, tampok ang Fiesta ng Saribuhay, isang month-long celebration kung saan ilalapit sa mga bisita ang biodiversity o likas na yaman ng ating bansa—mula sa mga hayop at halaman hanggang sa kultura, pagkain, musika at kuwento ng mga Pilipino.

Magsisimula ang selebrasyon sa October 2 sa pamamagitan ng World Teachers’ Day Celebration, bilang pagkilala sa ating mga guro.

May Run to 31: Takbo ng Saribuhay Fun Run naman sa October 11, habang magiging mas makulay ang bawat weekend dahil sa street dance performances at nighttime parade ng mga karakter ng EK Storyverse.

Para sa OPM lovers, may Fiesta ng Saribuhay Concert sa October 17, na pangungunahan ni Dionela kasama ang iba pang Filipino artists.

Pero ang pinakakawili-wili para sa akin ay ang bagong development sa AGILA The EKsperience: SARIBUHAY. Dito, hindi lang basta entertainment ang mararanasan.

Sa bagong immersive walkthrough, mas makikilala natin ang Philippine eagle—ang buhay nito, ang natural nitong habitat at ang mga panganib na kinakaharap ng isa sa ating mga iconic at critically endangered na hayop.

Maganda ang ganitong approach. Kasi kung tutuusin, maraming bata ang mas madaling matuto kapag nakikita at nararanasan nila mismo ang isang bagay. At kung ang isang theme park ay nagagamit ang saya at entertainment para turuan ang kabataan tungkol sa kalikasan, win-win iyon.

Kaya ngayong October, puwedeng-puwede ang family day sa Enchanted Kingdom.

Pero sana, habang nagsasaya tayo sa rides at attractions, may isang simpleng mensahe tayong maiuwi. Hindi lang maganda ang Pilipinas. Napakayaman din nito.

Kaya magandang simulan sa mga bata ang pagpapahalaga sa kalikasan. Hindi kailangang maging eksperto. Magsimula sa simpleng hindi pagtatapon ng basura. Pag-iingat sa mga hayop. Pagrespeto sa kalikasan. At pag-unawa na ang mga likas na yaman natin ay hindi lamang para sa atin. Pamana natin ito sa susunod na henerasyon.

Ang sa akin lang, 31 years na ang Enchanted Kingdom. Sana, kasabay ng pagdami ng rides, attractions at entertainment, lalo ring lumalim ang mensahe nito. Dahil ang tunay na saribuhay ng Pilipinas ay hindi lang dapat pinapanood. Dapat itong minamahal, pinahahalagahan at inaalagaan.

The post Ang Saribuhay ng Pilipinas first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments