Rhea Tan Darling of the Press

Bago natapos ang taon ay inilunsad ang mga bagong dagdag sa Beautederm ambassadors gaya nina Maja Salvador, Andrea Brillantes at Jelai Andres. So, inaabangan na kung sino ang ilulunsad ngayong 2022 na bagong kapamilya.

Malapit ang CEO at President ng Beautederm na si Ma’am Rhea Anicoche Tan sa mga endorser niya. Willing nga siyang magninang pag kinasal si Maja kay Rambo Nunez. Sey pa nga niya sa nakaraang presscon sagot niya ang reception .

Sa latest post ni Ma’am Rei tila naiiyak si Rochelle Barrameda sa online bonding nila kasama si Maricel Morales. Matagal na rin kasing hindi sila nagkikita dahil sa alert level 3. Ganoon siya ka-close sa mga ito.

‘Yung iba dinadayo pa siya sa Angeles, Pampanga para maka-bonding. Nagre-relax din sila sa mala-hotel na pahingahan ng mga bisita.Kung tawagin namin ito ay Embassy mansion.

Ilan sa mga nagpunta na doon ay sina Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Sanya Lopez,Carlo Aquino, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Alex Castro, Ejay Falcon atbp.

Kamakailan, si Darren nag-effort at nagbiyahe pa sa Angeles bago Mag-New Year para ibigay ang gift niya kay Ma’am Rei. Sinorpresa niya ito.

Almost 100 na ang mga ambassadors niya na kinabibilangan din nina Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Ken Chan, Rita Daniela,Ruru Madrid, Boobay, Arjo Atayde atbp.

Hindi lang mga ambassador ang tinuturing na pamilya ni Ma’am Rhea kundi pati ang mga movie press.

Tuwing okasyon lagi niyang naaalala ang mga kasamahan natin sa hanapbuhay.

Nu’ng kasagsagan ng COVID 19 ngayong Enero pina-experience niya sa amin ang Beautederm Kenzen Z Plus (Immunity Booster). Vitamin C with Zinc. Hindi humapdi ang sikmura namin kahit acidic kami. Gawang Japan kasi.

Sinabayan pa ito ng Beautederm Reiko Somnest (Sleep Enhancer).Ang lalim ng tulog namin at nawala ang stress.

Malaking tulong talaga ito nu’ng nagkatrangkaso kami, may sipon at ubo. Nakatayo kami agad at gumaan ang pakiramdam.

Ngayong sasalubungin naman ang Chinese New Year nakaalala naman siya na magpadala ng special tikoy,Slender Sips Coffee na healthy inumin dahil stevia ang sweetener .Meron ding EtreClair mouthwash na nakakapatay talaga ng virus pag kumakati ang lalamunan.

Ramdam namin ang malasakit at pagmamahal niya sa press lalo na ngayong pandemic. Isa siyang pilantropo.Tunay siyang Darling of the Press!

Kung Hei fat Choi, Madam!

The post Rhea Tan Darling of the Press first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments