Ping walang binalahurang kalaban

NI: ROLDAN CASTRO

Marami ngayon ang mas humanga pa kay Presidential candidate Senator Ping Lacson sa naging interview sa kaniya ni Boy Abunda.

Wala siyang ibang kandidatong “siniraan.” Hindi gaya ng iba.

Ang siste kasi, may parte sa interview ni Boy na “Political Fasttalk” na kailangang sagutin ang agad ni Lacson. Ang naging katanungan, “bakit hindi dapat iboto si…” at binanggit ni Boy ang mga pangalan ng iba pang tumatakbong presidente.

Kung tutuusin, pagkakataon ni Ping na siraan ang mga kalaban niya para iangat ang sarili niya para makumbinsi ang mga nanonood na siya ang ibotong president ng bansa.

Pero sa halip na manira, aba’y natatawa lang na sinabi ni Ping na, “Kasi tumatakbo akong presidente, Boy.”

Sa bawat tanong ni Boy na binabanggit niya isa-isa ang pangalan ng ibang kandidato, iyon din ang sagot ni Lacson na naka-smile.

At nang tanungin naman siya ni Boy kung bakit siya ang dapat na iboto, ang simple pero kompiyansang sagot ni Lacson: “I’m the most qualified, most competent, and the most experienced.”

Sa una, hindi masyadong mapapansin ang tanong ni Boy tungkol sa “bakit hindi dapat iboto si…” Pero nang lumabas at inere na ang isa pang kandidato at tinanong din ni Boy nang katulad na tanong, aba’y siniraan niya isa-isa ang kalaban niya.

Sinabihan pa nga si Lacson na hindi raw ito dapat na iboto dahil ‘maraming salita, pero on the ground, kulang.”

Ang naging sagot naman dito ni Lacson, “Hindi ako kulang ‘on the ground.’ Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong,”

Hindi naman ibig sabihin ni Lacson na epal ang tumulong. Ang ibig sabihin ng senador ay hindi niya gawain na magpakita, magpa-picture at magpa-video sa mga tao o lugar na tinutulungan niya, na siyang ginagawa ng kandidatong nanira.

Sabagay, dati nang sinabi ni Ping at running mate niyang si Senate Presidente Tito Sotto na mas nais nilang ipakita sa mga tao ang kanilang plataporma o gagawin sa Pilipinas kapag sila ang nanalo, kaysa hanapin ng butas o siraan ang mga kalaban nila.

Tama nga ang sinabi ng political magnate ng Cebu na si Winston Garcia, na kapatid ni Gov. Gwen Garcia, suportado niya ang tambalang Lacson-Sotto, na tinawag niyang “the most decent candidates.

The post Ping walang binalahurang kalaban first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments