15-anyos tiningga ng kaalitan

Dedbol ang isang 15-anyos na lalaki matapos na patraydor na barilin ng isa sa tatlong suspek na kumompronta sa kanya, Huwebes ng madaling-araw sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni P/EMS. Carlos Garcia ng Manila Police District-homicide section, naisugod pa sa Tondo Medical Center ang biktimang si Reymart Manlangit, scavenger, at taga-Aroma, Tondo na nasawi dahil sa tama ng bala sa likod.

Bago ang pamamaril sa biktima, nakita na kinompronta siya ng tatlong suspek.

Maya-maya pa ay nakitang tumalikod na si Manlangit pero isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan siya.

Nang bumagsak ang biktima ay nagpulasan na ang mga salarin patakas habang isinugod naman sa pagamutan ang binatilyo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at mapanagot sa krimen. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 15-anyos tiningga ng kaalitan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments