2 QC wanted natunton sa Bilibid

Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Remus Medina na natunton na nila ang Top 7 at 8 most wanted person ng Novaliches Police Station (PS-4) sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Batay sa ulat ng PS 4, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, ang mga wanted ay nakilalang sina Jeffrey Yanong, 26-anyos, ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City; at Noriel Torino Noriel alyas Noriel Nicanor, 25, ng Brgy. Capri, Novaliches, QC.

Ang mga suspek ay natunton ng ng mga pulis dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng Bureau of Prisons, na matatagpuan sa Camp Sampaguita, New Bilibid Prison Reservation, Muntinlupa.

Sila ay may mga kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (robbery) at illegal possession of firearm and explosives na inilabas ni Judge Reuben Veradio ng Branch 11, Regional Trial Court ng Malolos, Bulacan.

Wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanilang pansamantalang paglaya.

“Makakaasa ang ating mamamayan sa Lungsod Quezon na sisikapin naming madakip, mailagay sa aming kustodiya, at maipresenta sa korte ang sinumang pinaghahanap ng ating batas dahil sa pagkakasala o paglabag nila,” pahayag ng QCPD chief. (Dolly Cabreza)

The post 2 QC wanted natunton sa Bilibid first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments