16-anyos kinatay sa rambulan

Dedbol ang isang 16-anyos na lalaki matapos saksakin ng isa sa kabataan na kumompronta sa kanya, Sabado ng gabi, sa may Tondo, Maynila.

Nasawi habang inooperahan sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Raymond Romasanta, estudyante, at residente ng Pilapil St., Tondo dahil sa tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Ayon kay Police Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente alas-7:35 ng gabi, kamakalawa, sa Favia St., Tondo sa nabanggit na lungsod.

Kasama umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan nang dumating ang dalawang hindi pa natukoy na suspek na may mga kasama ring kabataan at kinumpronta ang nauna.

Nagkasagutan ang magkabilang panig hanggang sa saksakin na ng suspek ang biktima.

Nang tamaan, kaagad nagpulasan ang mga suspek habang isinugod sa pagamutan si Romasanta.

Patuloy naman ang imbestigayon ng pulisya at nagsasagawa rin ng follow-up operation para madakip ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 16-anyos kinatay sa rambulan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments