Ambulance driver kinadyot 2 sarhento

Napuruhan ang dalawang pulis matapos awatin ang isang nagwawalang ambulance driver sa Brgy. Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur noong Sabado.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Police Staff Sergeant Marc Dante Osoteo, 33-anyos; at Police Staff Sergeant Edward Garces, 34, parehong nakatalaga sa Sta. Maria Police Station (SMPS).

Samantala, ang suspek ay tinukoy bilang si Gerald Aniceto, 40, isang drayber ng ambulansiya, at residente ng Brgy. Baliw Laud ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa SMPS, tumawag sa telepono ang isang residente ng Brgy. Baliw Laud at sinabing nagwawala si Aniceto sa kanilang lugar.

Dito na rumesponde nina Osoteo at Garces sa nasabing barangay at nadatnan pa umano ang suspek na nagwawala.

Ayon sa pulisya, pinapakalma ng dalawang pulis ang drayber at imbes na kumalma ay inundayan pa ni Aniceto ng saksak sina Osoteo at Garces na tinamaan sa kani-kanilang mga braso.

Nagamot ang dalawang sarhento sa Ilocos Sur District Hospital-Narvacan.

Samantala, ang suspek na ambulance driver ay agad namang nadamba matapos ang insidente, nakakulong na ngayon sa SMPS detention cell at sasampahan ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

The post Ambulance driver kinadyot 2 sarhento first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments