Angelica trending: Ilang beses rin akong nasaktan, lagapak beh dapang-dapa

Hindi nagtataka ang diva that you love kung bakit sa pa-woke universe that is Twitter ang magandang si Angelica Panganiban at number one trending topic.

Ang voters education bidyo niya kasi na mapapanood sa Young Public Servants Facebook Page, panalong-panalo ang “paggamit” sa makukulay na karanasan ni Panganiban sa pakikipagrelasyon at pagmamahalan.

Ang mga pag-amin ni Angelica tungkol sa mga ‘panloloko’, wagas na wagas: “Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses rin akong nasaktan, lagapak beh dapang-dapa.”

Patuloy ni Panganiban with so much feelings at honesty: “Wasak na wasak ang puso ni nasimak…. Minahal ko eh! Pinagtanggol ko pa sa mga friends ko. Pero wala, nganaga! Mambubudol pala! Ang sakit umasa ha.”

Panalo ang assertion ni Angelica na she deserved better at lahat tayo, deserve na deserve natin ang the best,

Kaya nga sa eleksyon, ang mga kumakandidato ay ituring nating mga manliligaw, na dapat “kilatisin” ang educational background at character references at higit sa lahat, “huwag magpapabudol” at”huwag magpapanakaw”.

Sa FB page of origin nito, may 33K views na at may 23K” at pulos positive ang comments.

Ewan ko na lang kung may bashing at hating na matatanggap si Angelica Panganiban mula sa mga troll magsasaka dahil sa video na ito.

Ang umaray at mapikon, alam na this! Mambubudol at magnanakaw iyon tiyak kaya dapat hindi iboto, huh!

Salamat sa Young Public Servants at siyempre pa kay Angelica for this timely at relevant voters education video. Mas marami pa sanang videos na ganito ang mapalabas na truthful pero hindi offensive.

Pinapainit ang ulo ng nota ko-Nikko

Super LOL ang reaksyon ng karamihan sa kuda ni Hashtag member Nikko Natividad para sa kanyang basher na nakakainis at nagmamalinis, pero tiyak marumi rin naman.

Kasi naman Ginoong Natividad, NikkoDAKS ba naman ang user name mo sa IG kaya ang hindi na maitago ang pagnanasa sa iyo may patutsada na: “kadiri yan kolboy yan dati pa pwe.”

Kung makaarte naman itong basher na ito damang-dama ang pagnanasa kay Senyorito Daks, huh! Pasalamat ka nga at pinatulan ka ni Natividad at ipinamukha sa iyo na kahit kailan hindi ka niya naging “costumer” .Ang best rebuttal nito ay ang: “Lokang ito!Pinaiinit ang ulo ng nota ko!”

And mind you, “lalaki” ang tinawag na “loka” dahil buong pangalan ng nilalang ang sinagot ng naughty and nice Natividad.

In these millennial times when “collab” means having man to man or man to woman sex and video-taped and then shown for a fee at ngayong sangrekwa ang sexually explicit films dahil nga walang censorship sa digital entertainment mediums, ang mga katulad nitong “lokang” ito, dapat talaga tinatalakan na noh! Gigil sa pagiging busilak eh!

The post Angelica trending: Ilang beses rin akong nasaktan, lagapak beh dapang-dapa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments