Coco Martin, Julia Montes binuking respeto ang sikreto

Ibinahagi ni Julia Montes ang una nilang pagkikita ni Katherine Luna.

Si Katherine ang dating partner ni Coco Martin, ang kanyang long live-in partner ngayon.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang naging unang impresyon kay Katherine, matapos silang magkita sa unang pagkakataon.

Sa panayam ni Ogie Diaz, ikinuwento nina Coco at Julia na napanood nila ang video kung saan taos-pusong humingi ng tawad si Katherine kay Coco.

Dahil dito, naantig sila at nagpasyang tulungan siyang makabangon muli sa buhay.

Ayon kay Coco, labis siyang naantig sa paghingi ng tawad ni Katherine kaya agad niya itong pinatawad.

“Nung nagkita nga kami, parang wala na. Okay na ‘yun. Walang kahit katiting na sama ng loob. Napakahalaga nu’ng napanood kong humingi siya sa akin ng sorry. Tinanggap ko iyon. Nagpakumbaba siya kaya nabura na ang lahat,” sey ni Coco.

Bilang suporta, sinabi nina Coco at Julia na tutulungan nila si Katherine sa pagpapagamot ng kanyang mata at bibigyan din siya ng panibagong pagkakataon sa pag-arte.

Tinupad ng aktor ang pangako at isinama si Luna sa bago nilang teleserye ni Julia.

Samantala, inalala naman ni Julia ang una nilang pagkikita.

“Actually, wala pa kaming malalim na usapan. Pero noong una kaming nagkita ni Ate Katherine, sorry lang siya nang sorry at thank you lang nang thank you. Super bait ni Ate Katherine at nahihiya siya sa akin,” sambit ng aktres.

Sa parehong panayam, ibinahagi rin ng celebrity couple ang kanilang sikreto sa matatag na relasyon. Ayon sa kanila, ang respeto sa isa’t isa ang pinakamahalagang pundasyon ng kanilang pagsasama.

“Yun ang meron kami ni Juls, respeto sa isa’t isa. Maraming depinisyon ang pagmamahal, pero ang respeto, malinaw at iisa lang,” saad ni Coco. (Beth Gelena)

The post Coco Martin, Julia Montes binuking respeto ang sikreto first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments