Barbie inaming hiwalay na kay Diego: Natutunan ko na baka paulit-ulit nangyayari sa ‘kin ‘to kasi hindi ko talaga minamahal yung sarili ko

Kumanta na si Barbie Imperial na totoo ang mga usap-usapang break na sila ni Diego Loyzaga.

Sa ‘TV Patrol’, binahagi ni Barbie na naging maayos ang hiwalayan nila ni Diego.

Hindi na dinetalye ng aktres kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, ngunit sa ngayon ay magpo-focus muna raw siya sa self-love.

Sey ng aktres, “Natutunan ko na baka paulit-ulit nangyayari sa’kin to kasi hindi ko talaga minamahal yung sarili ko.”

“Kasi it’s all the same stories, each boyfriend, so for me parang, what if ibahin ko ngayon, sarili ko naman mahalin ko?” aniya pa.

Matatandaan na lumutang ang umano’y hiwalayan ng dalawa matapos na hindi magbatian sa social media sina Barbie at Diego noong Pasko at Bagong Taon.

Dagdag pa rito ang biglang pagpunta sa USA ni Diego, kung saan sinabi nito na hindi raw makakasunod sa kanya doon si Barbie.

The post Barbie inaming hiwalay na kay Diego: Natutunan ko na baka paulit-ulit nangyayari sa ‘kin ‘to kasi hindi ko talaga minamahal yung sarili ko first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments