Legarda buwenamano kampanya sa Antique

Pormal na inilunsad ni Deputy Speaker Loren Legarda nitong Pebrero 8 ang kanyang kandidatura para sa 2022 senatorial elections.

Ayon sa beteranong senador, sentro ng kanyang pagbabalik-Senado ay ang pagkakaroon ng trabaho o ‘employment generation at green pandemic recovery’ para sa lahat ng pamilyang Filipino.

Ayon kay Legarda, ang kawalang-trabaho dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay dapat malutas agad. Isa sa mga nakita ng mambabatas ang pagpapalakas sa ‘government intervention’ upang maiahon sa kahirapan ang ‘marginalized sector’ o ‘poorest of the poor’ habang tumatahak sa landas tungo sa ‘sustainable at green pandemic recovery.’

Sa kanyang tatlong taong termino bilang Kinatawan ng Lone District ng Antique, dinala umano ni Legarda ang Antique sa ‘golden age’ dahil inilapit niya sa mga Antiqueño ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Ani Legarda, ito rin ang ‘template’ na isusulong niya kapag nakabalik sa Senado, na kung nagawa ng mga Antiqueño ay magagawa rin ng ibang lalawigan sa buong bansa.

The post Legarda buwenamano kampanya sa Antique first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments