Van nadulas, 12 nahulog sa ilog

Dedbol ang isang tao habang sugatan naman ang 11 iba pa matapos na mahulog sa ilog ang van na kanilang sinasakyan, Martes ng umaga, sa Butuan City.

Umalis aniya sila sa bayan ng Cagwit, alas-5:00 ng madaling-araw, lulan ng Toyota HiAce van at bumiyahe patungong Butuan City subalit madulas ang kalsada dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan kaya hindi umano nakontrol ng drayber ang manibela ng van dahilan upang bumangga sila sa railings at tuluyang malaglag sa ilog.Base sa salaysay ng isa sa mga biktima na nakilalang si Pastor Simanes Jr., empleyado umano sila ng local government unit ng Cagwit at mayroon umano silang opisyal na lakad sa Butuan City.

Umalis aniya sila sa bayan ng Cagwit, alas-5:00 ng madaling-araw, lulan ng Toyota HiAce van at bumiyahe patungong Butuan City subalit madulas ang kalsada dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan kaya hindi umano nakontrol ng drayber ang manibela ng van dahilan upang bumangga sila sa railings at tuluyang bumulusok sa bangin.

Mabilis namang rumesponde ang mga residente sa lugar, gayundin ang awtoridad, kaya agad na nadala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima pero sinawing-palad na mamatay si Abab.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa nasabing insidente. (Edwin Balasa)

The post Van nadulas, 12 nahulog sa ilog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments