Legarda, Tulfo, Cayetano patok sa Jan 2022 survey

Nanguna sina broadcaster Raffy Tulfo, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Loren Legarda sa pinakahuling senatorial preference survey ng Pulse Asia.

Sa survey na ginanap noong Enero 19-24, 2022, nanatili sa top spot si Tulfo na nakakuha ng 66.1 percent; pumangalawa si Cayetano (58.2%); at pumangatlo naman si Legarda (58%).

Sinundan naman sila nina Gov. Chiz Escudero (55.7%); Mark Villar (52.9%); Sen. Migz Zubiri (50.3%); Sen. Win Gatchalian (45.9%); dating vice president Jojo Binay (44.5%); dating senador Jinggoy Estrada (40.4%); Sen. Joel Villanueva (40.4%); Sen. Risa Hontiveros (37.1%); actor Robin Padilla (35.9%); at dating senador JV Ejercito (33.9%).

Umangat ng apat na puwesto si Jinggoy Estrada upang maging pang-siyam sa talaan ng mga preferred senatorial candidate. Dati siyang nasa pang-13 puwesto sa Pulse Asia survey noong Disyembre 2021.

Napanatili naman nina Legarda at Binay ang pang 2-4 at 7-8 na puwesto sa talaan ng mga napipisil na senatorial candidate sa darating na halalan sa Mayo.

Sina Legarda, Binay at Jinggoy Estrada ay kinikilala dahil sa kanilang malinaw at masigasig na adbokasiya para sa mahihirap na manggagawa, magsasaka, healthcare worker, mga guro at mga polisiyang maka-kalikasan.

The post Legarda, Tulfo, Cayetano patok sa Jan 2022 survey first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments