Pedopilyang Norwegian nasakote ng BI

Arestado sa Laoag City, Ilocos Norte ang isang puganteng Norwegian national na nahaharap sa kasong child sex abuse noong Biyernes.

Sa ulat ng Laoag City Police Station, nakipag-ugnayan ang mga awtoridad ng Norway sa Bureau of Immigration (BI) para masakote ang suspek na hindi muna pinangalanan, dahil sa tatlong kaso ng child sex abuse sa kanilang bansa.

“May warrant of arrest na lumabag sa Norway dahil sa kanyang tatlong kasong pang-aabuso sa tatlong kabataan na nasa edad na six years old, eight years old at 11 years old. Ginawa niya ang krimen na ito between 2014 and 2016,” ayon kay BI Fugitive Search Unit chief Rendel Sy.

Pahirapan din aniya ang pag-aresto sa suspek dahil ayaw nitong sumunod sa mga pinatutupad na health protocol laban sa COVID-19.

“Medyo disturbing din itong attitude ng suspect na ito kasi unang-una ayaw niya magpabakuna kahit pagsuot ng mask ay tumatanggi siya kasi sinasabi niya ang COVID na ito ay hindi totoo,” ayon kay Sy.

“Napakahalaga na mahuli natin ang puganteng ito na nagtatago sa ating bansa lalong-lalo na itong pattern ng krimen na ginagawa niya ay threat sa ating kabataan at kababaihan, hindi natin alam na baka pwede niyang gawin ang krimen na `yan dito,” sinabi pa ni Sy. (Allan Bergonia)

The post Pedopilyang Norwegian nasakote ng BI first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments