Mga Manilenyo mas tiwala kay Lopez

Kung pagbabatayan ang mga naglalabasang survey sa Lungsod ng Maynila, lumalabas na mas pinagkakatiwalaan ng mga Manilenyo si Partido Federal ng Pilipinas Mayoralty aspirant Atty. Alex Lopez.

Kamakailan ay nagsagawa ng social media survey ang Original Mata ng Maynila for Charity Media Inc. at tinanong ang may 1,000 respondent mula sa distrito uno hanggang distrito kuwatro ng lungsod. Isinagawa ang survey nitong nitong nakaraang Enero 26 hanggang Pebrero 2, 2022 kung saan pinulsuhan kung sino ang nagugustuhang maging alkalde ng lungsod at kung bakit.

Batay sa datos, nakakuha si Lopez ng 58% habang pumangalawa si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna na nakakuha ng 33% at pangatlo naman si Amado Bagatsing na nakapagtala ng 10%.

Nauna rito, nanguna rin ang abogadong si Lopez na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez, sa survey na ginawa ng isang pahayagang tabloid sa bansa.

The post Mga Manilenyo mas tiwala kay Lopez first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments