Ikinakasa na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Ukraine ang mga posibilidad ng pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Ukraine dahil na rin sa napipintong Russian invasion doon.
Ito ang inamin ni POEA Deputy Administrator Bong Plan kung saan hinihintay na nila ang plano ng DFA at embahada kung saan magpapalabas ng appropriate mandatory o voluntary repatriations sa Ukraine OFWs.
“We are closely coordinating with the DFA kasi sila po nakatingin on the ground whatever advices po ang binibigay sa amin dun po kami gumagawa ng mga alert level para sa amin dito,” ani Plan sa panayam.
“So far, we are just awaiting official communication from the DFA, from our embassy there, ‘yong may malapit na embassy na humahawak sa Ukraine… then we will issue the appropriate… mandatory or voluntary repatriations of our OFWs,” dagdag niya.
Naunang sinaad ng Philippine Embassy sa Warsaw na mino-monitor nila ang nasa 380 Filipino nationals sa Ukraine, karamihan ay naninirahan sa Kyiv at malapit sa border ng Russia. (Kiko Cueto)
The post Mga OFW sa Ukraine iuuwi first appeared on Abante Tonite.
0 Comments