Socialite diniin sa natsuging mister

Ni Dolly Cabreza

Nakatanggap ang anak na babae ng namayapang si Ising Madrigal-Vazquez ng court order para sa pag-aresto sa socialite na si Baby Cruz, na inakusahan niyang nakapatay sa kanyang ama na si Dr. Daniel Vazquez.

Base sa dokumento na nakalap ng Bilyonaryo, nag-isyu ng arrest warrant ang Metropolitan Trial Court (MTC) sa Taguig noong February 8, sa kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kay Maria Pacita ‘Baby’ Cruz, at sa kanyang secretary na si Ivy Semeno.

Si Cruz ay mother-in-law ni dating Commission on Elections Chairman Andy Bautista. Pag-aari rin niya ang Frank Provost beauty salon.

Sa parehong petsa ay boluntaryo namang sumuko sina Cruz at Semeno sa MTC at naglagak ng piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

“Thus, the court had acquired jurisdiction over the persons of both,” batay sa isinulat ni MTC Presiding Judge Juan Jose Enriquez III.

Una nang hiniling nina Cruz at Semeno sa MTC na ipagpaliban o ipawalang-saysay ang arrest warrant, suspendihin ang mga pagdinig at ibasura ang kaso.

Pumayag naman ang korte sa kahilingang isuspinde ang mga pagdinig sa arraignment na itinakda sa April 18, 2022.

Ang orihinal na kaso ay parricide, na inihain ni Maria Beatriz ‘Bea’ Vazquez noong May 21, 2021 o ilang linggo lamang matapos ang pagkamatay ng kanyang amang si Daniel dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Bea na intensiyon umano ni Cruz na ma-expose si Dr. Daniel sa COVID-19 gayung alam naman nito na matanda na at may comorbidities at madaling mahawa sa sakit ang lalaki.

“Pacita constantly brought in masseuses, makeup artists, maids, and butlers and continued to have parties. She, along with Ivy, forced Dr. Daniel to go out of the house to do groceries and shop at S&R–Taguig, MarketPlace–Rockwell, Makati, Landers–Alabang, and Molito–Alabang, despite the prohibitions made by the Inter-Agency TaskForce. Pacita and Ivy violate health protocols to effectuate the killing of Dr. Daniel which eventually came to fruition on 03 April 2021 at 12:07 a.m.,” paliwanag ni Bea.

Sagot naman nina Cruz at Semeno sa kanilang counter-affidavits na mismong si Dr. Daniel ang nagpumilit na lumabas ng bahay upang mag-grocery, mag-shopping at bumili ng mga bagong damit para sa kanyang mga apo.

Siinabi rin ni Cruz na wala siyang criminal intent to kill kay Dr. Daniel dahil maging siya mismo ang naospital dahil sa kumplikasyon sa COVID-19.

Nabatid na si Dr. Daniel ay 20 taon ang tanda kay Cruz. Sila ay ikinasal noong 2016, limang buwan matapos na pumanaw si Ising.

Ayon pa kay Bea, matapos mamatay ang kanyang ama ay saka lamang niya napagtanto ang umano’y plano nina Cruz at Semeno na makuha ang kayamanan ng kanyang ina, na isa sa mga anak ng first Filipino tycoon na si Vicente Madrigal na nakilala sa shipping, coal, cement at real estate.

Batay pa sa salaysay ni Bea, dinala ni Dr. Daniel sina Cruz at Semeno sa United States noong October 2019, kung saan ibinili ng kanyang ama ang stepmother ng ilang property, kabilang ang dalawang property na nagkakahalaga ng $3.6 milyon (P185 milyon) na ipinagkaloob ng lalaki kay Cruz sa kanyang last will na nilagdaan Enero 18, 2021 o tatlong buwan bago ito sumakabilang-buhay.

The post Socialite diniin sa natsuging mister first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments