‘Manoy’ ng pulis minaliit, kelot himas-rehas

Swak sa piitan ang isang lalaki matapos niyang magwala at pagsalitaan pa umano ng mga kabastusan ang mga rumespondeng pulis sa Quezon City nitong Martes ng madaling-araw.

Ang suspek ay kinilalang si Arnold Julio, 50-anyos, matandang binata, at residente ng Brgy. Bago Bantay, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-5:00 ng madaling-araw, kahapon, nang maganap ang insidente sa harapan ng gate ng Grass Residence Condominium sa Misamis St., Brgy. Bago Bantay sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jerome Mendez ng CIDU, sakay ng mobile patrol sina P/Ssg. Alvin Quisumbing at isang P/Cpl. Paule at nagsasagawa ng follow-up investigation sa lugar nang parahin sila ng mga security guard ng Grass Residence.

Nang huminto ang mga pulis ay agad na itinuro ng mga guwardiya ang suspek habang nagwawala at naghahamon umano ito ng away sa harap ng nasabing condominium.

Agad namang nilapitan nina Quisumbing at Paule ang suspek upang awatin at pakalmahin subalit itinulak pa umano sila at sinigawan ng katagang, “Kayong mga pulis, wala kayong kuwenta! Puro jakol lang ang alam n’yo! Mga jakolerong maliliit ang etits!”

Dahil dito ay binitbit na ng mga awtoridad ang suspek at kinasuhan ng unjust vexation, alarm and scandal, resisting arrest at disobedience to the agent of person of authority. (Dolly Cabreza)

The post ‘Manoy’ ng pulis minaliit, kelot himas-rehas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments