Hindi sapat ang ayuda na ipamamahagi ng pamahalaan sa mga pampublikong transportasyon lalo pa’t pangmatagalan ang magiging epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, sabi kahapon ni Senador Risa Hontiveros.
“P6,500 will help make ends meet for drivers only for a little over a month, but this international energy crisis looks like it will last far longer than just a month. What will happen after a month?” sabi ni Hontiveros.
“Dahil hindi sapat ang ayuda mapipilitang mag-tigil pasada ang mga tsuper. Malulugi lang sila sa pagod ng maghapong pasada kung kakainin ng pang-gasolina ang kita at halos wala nang maiuuwi sa pamilya. Hindi ito dapat mangyari,” dagdag pa ng senador.
Giit ni Hontiveros na kailangan ng mas seryosong solusyon hindi lang para manatiling kumikita ang mga tsuper at operator kundi para maging abot-kaya rin ang pamasahe. (Dindo Matining)
The post P6,500 fuel subsidy kulang pa – Hontiveros first appeared on Abante Tonite.
0 Comments