10 bahay naabo sa Tondo

Sampung kabahayan ang naabo sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Gagalangin, Tondo.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na residential house sa #568 Callejon St., Gagalangin, Tondo.

Nagsimula umano ang sunog alas-6:44 ng umaga at sa kabila ng ulan, umabot ito sa unang alarma at naideklarang fireout alas-7:57 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi. Nasa P500K ang napinsalang ari-arian.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 10 bahay naabo sa Tondo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments