Maris wagas ang pagligwak kay Toni

NI: ALWIN IGNACIO

Kung si Maris Racal na nga ang bagong hirang na romantic comedy queen saan pa pupulutin ang kiyema latik Roar Star, Toni Gonzaga?

‘Yan ang bansag kay Maris ng isang seasoned maricon sa press payanig para sa kanyang seryeng “How To Move On In 30 Days?”.

Bagamat kasama si Angelica Panganiban sa sinabing romqueen, mas versatile actress ang mommy na sa kasalukuyan. Si Gonzaga talaga ang ligwak sa trono dahil sa pag-entrada nitong kasintahan ni modern day poet at rocker Rico Blanco.

Hindi naman siguro mapapraning si Celestine kung sakaling mawawala sa kanya ang romcom queen title dahil masaya naman siya ngayon sa kanyang pinaggagawa. Visible na visible siya.

Sa estado ni Toni na isang Mrs. Soriano na , ano ba naman ang titulo na iyan? Hindi na niya kailangan na maging reynang walang trono dahil siya na nga ang reyna sa buhay ni Paul Soriano, hindi ba naman?

Tiyak na flattered si Binibining Racal na sinabing siya ang kapalit ni ganito at ganire. Ang mahalaga, more than the title na puwedeng ibulong lang sa hangin at sinulat pala sa tubig, eh ang oportunidad na ibinigay sa kanya para maging center of the universe ng isang show.

Isang Carlo Aquino pa ang kanyang kapareha dito kaya nga hindi nakakapagtaka na kung ilang oras ding namayagpag ang kanyang pangalan bilang trending topic.

Deserved na deserved ni Maris Racal ang career pushing na ito. Ngayon, hindi lang basta mas batang-batang jowa ni Rico Blanco ang kanyang claim to fame, bidang-bida na talaga siya, sa true lang.

The post Maris wagas ang pagligwak kay Toni first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments