Perez namatay sa edad 65

Pumanaw na sa edad na 65-anyos si veteran sports anchor at journalist Florencio ‘Zaldy’ Perez nitong Sabado dahil sa sakit na pancreatic cancer.

Naging anchor siya para sa PTV4, UNTV, sa mga programa ng One PH na The Chasedown at iSport Lang, at sa Aksyon Sports ng Radyo Singko News FM.

Nagsulat rin siya sa Abante ng sports column na ‘Laykdatan’ at sa Balita.

Nakahimlay ang mga labi ni Perez sa kanilang tahanan sa Morong Bataan. Ililibing siya sa darating na Huwebes sa Morong cemetery. (Abante TONITE Sports)

The post Perez namatay sa edad 65 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments