Ramirez kayod sa 3 palaro

Tatlong malalaking mga torneo pa ang sunod-sunod na sasabakan ngayong taon ni jiu-jitsu artist Annie Ramirez.

Kakaharbat lang ng bronze medal sa 2022 Pan IBJJF Jiu-Jitsu Championships sa Florida nitong Abril 5-10, agad nagbalik-training ang 31-taong-gulang na atleta sa bilang paghahanda sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam, 11th World Games sa Hulyo 7-17 sa Birmingham, Alabama at sa 19th Asian Games sa Setyembre 10-25 sa Hangzhou, China.

“Matagal kasi na wala kaming mga tournament kaya hirap kami mai-develop pa ang techniques namin pati ang preparation namin sa mga incoming tournaments. Pero tingnan natin,” anang dalagang dating national judoka.

Ipagtatanggol ni Ramirez ang titulo sa SEA Games habang aasinta ang unang medalya sa Asiad. (Lito Oredo)

The post Ramirez kayod sa 3 palaro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments