Nagsilbing instrumento sina direk Ryan Manuel Favis at Gie Baldemor, organizer ng FabLife 2022 para sa 40 bagets na gustong mabigyan ng break sa modelling at pag-arte.
Sey ni Favis bet niyang himukin ang mga Pinoy Millennials at Gen Z na itaguyod ang ating kultura at magkaroon ng pagkakaisa.
Nu’ng April 21 rumampa ang 40 kabataan para sa Modelong Fab Life 2022. Winner ang paandar nila.
Dagdag pa ni Favis, apat na taon na nilang ginagawa ang Modelong Fablife.
“Itong ginagawa namin sa mga kabataang ito ay bilang pagsasanay sa kanila na mahulma ang mga talentong mayroon sila. Katulad ng Inding-Indie Film Festival na nagpapakita ng galing iyong mga baguhan. Itong mga kabataang ito ay magkakaroon din ng pagkakataon na ma-recognize ang galing nila,”deklara niya.
Layunin ng grupo ni Favis na bumuo ng naiiba sa marami. “Kaya napagkasunduan namin na gumawa nitong naiiba. Halimbawa short movie, modeling na decent, iba sa marami. ‘Yung bihirang-bihirang makita ng majority sa mainstream. “(Roldan Castro)
The post 40 Modelong FabLife winner ang paandar first appeared on Abante Tonite.
0 Comments