Wanted na rapist tiklo sa QC

Nasakote ang tinuturing na top 2 most wanted person ng Quezon City Police District sa Barangay Lourdes sa naturang lungsod kahapon.

Base sa ulat, nagsanib-puwersa ang mga operatiba ng La Lola Police Station at Regional Special Operations Group ng National Capital Region Police Office para ihain ang arrest warrant laban sa akusado na kinilalang si Alfredo Castillo III alyas Aly, na pinaghahanap dahil sa dalawang kaso ng panggagahasa.

Isinagawa ang operasyon matapos ang isang surveillance para masiguro ang kanyang kinaroroonan. (Damien Horatio Catada)

The post Wanted na rapist tiklo sa QC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments