Adrianna enjoy sa sexperience

NI: ROLDAN CASTRO

Mapapawi ang uhaw at init ng katawan. Siguradong satisfied ang wildest cravings niyo sa pagdating ng pinakabagong sexy-comedy, a Vivamax Original Movie entilled ‘Pathirsty’.

Magsisimula ang streaming sa Vivamax Plus ngayong June 1, 2022. Regular na mapapanood ito sa Vivamax ngayong June 29.

Kuwento ito ni Pearl (Adrianna So) at Achilles (Kych Minemoto), ang mag-besties na parehas brokenhearted dahil sa kanilang mga failed relationships. Habang nagpapakalunod si Achilles sa alak at sa social media ng kanyang feelings, sinusubukan namang kalimutan ni Pearl ang sakit at pait sa pamamagitan ng pagi-enjoy sa kanyang mga “sexcapades.”

Dahil gustong matulungan at maging masaya ang kanyang best friend matapos mapanood ang mga social media meltdowns, mag-aala kupido si Pearl.Hahanapan niya ng perfect dream guy si Achilles. Dito nila makikilala si Ali (Alex Diaz), isang guwapo at mayamang binata na may magandang katawan at tagapagmana ng business empire ng kanyang ama.

Instant hit at magki-click agad sina Achilles at Ali. Magiging masaya si Pearl sa pagiging matchmaker nito para sa inaakalang perfect happy ending ng kanyang best friend. Pero biglang magiging komplikado ang sitwasyon dahil sa hindi inaasahan, pati pala si Pearl ay mahuhulog ang loob kay Ali.

Sa pagkakaipit nila sa sitwasyon at magulong love triangle, sino nga kaya ang makakatuluyan ni Ali? Matutuluyan din kayang “friendship over” na sina Pearl at Achilles? Samahan silang tatlo sa isang wild at chaotic adventure habang hinahanap ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.

The post Adrianna enjoy sa sexperience first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments