321 Pinoy namamatay kada araw sa yosi

Lumabas sa pagtataya ng Lung Center of the Philippines (LCP) na umaabot sa 321 katao kada araw ang namamatay sa Pilipinas dahil sa mga karamdamang konektado sa paninigarilyo.

Kaya naman nitong Mayo 31 na World No Tobacco Day, nag-display ang LCP ng 321 pares ng sapatos at tsinelas sa kanilang pasilidad bilang simbolo ng bilang ng mga Pinoy na namamatay kada araw sanhi ng sigarilyo.

“Every day, 321 Filipinos die because tobacco companies continue to sell and market their addictive and deadly products,” pahayag ni LCP Smoking Cessation Program manager and Department of Health (DOH) Quitline project director Dr. Glynna Ong-Cabrera.

“Tobacco products are designed to make it difficult for smokers to quit, putting them at risk to develop tobacco-related diseases which may eventually lead to death,” dagdag pa niya.

Tumutulong umano ang pamahalaan para ang mga adik sa sigarilyo ay tumigil na sa naturang bisyo.

Maaari umanong tumawag sa DOH Quitline 1558 para masolusyonan ang nakamamatay na bisyo. (Mark Joven Delantar/Juliet de Loza-Cudia)

The post 321 Pinoy namamatay kada araw sa yosi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments