Napilitang bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na may 82 pasahero at apat na crew matapos na magkaroon ito ng problemang teknikal habang nasa himpapawid nitong Lunes ng hapon.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, papuntang Dumaguete ang PAL flight PR2543 nang makaranas ng “technical problem” kung saan ay biglang umusok mula sa cabin nito matapos na lumipad dakong ala-1:54 ng hapon.
Dahil sa insidente kung kaya’t napilitan ang mga crew na bumalik sa NAIA dakong alas-2:10 ng hapon.
Nabatid na ang naturang eroplano ay gumagamit ng De Havilland Dash 8 turboprop na ino-operate ng PAL Express at may registry number RP-C5906.
Mabilis naman umanong inasikaso ng PAL ang kapalit na flight papuntang Dumaguete at nakaalis ito dakong alas-4:16 ng hapon subalit 63 na lamang mula sa kanilang 82 pasahero ang naiwan para ituloy ang biyahe.
The post PAL umusok sa biyahe, balik-NAIA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments