Bilang paghahanda sa nalalapit na pista sa Tondo, nagdala ng saya at dagdag-handa ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa pamamagitan ng programang “Happy Fiesta Poe Tondo!”, na isinagawa noong Miyerkules, 14 Enero 2026, sa dalawang lugar: Brgy. 39 Covered Court at Brgy. 43 Covered Court sa Tondo, Maynila.
Pinaglingkuran ng aktibidad ang mga residente ng Barangay 28, 34, 38, 39, 43, 44, 58, at 123, pati na rin ang mga miyembro ng MASPU Group. Umabot sa 3,500 katao ang nakinabang sa pamamahagi ng Wow Pasta family food packs upang mas marami pang pamilya ang makapaghanda para sa masaya at makabuluhang pagdiriwang ng pista.
Isinagawa ang pamamahagi bilang bahagi ng paghahanda ng komunidad sa pista ng Tondo, kung saan binigyan ng dagdag na pagkain ang mga pamilya para sa kanilang handa sa darating na Linggo. Higit pa sa tulong-pagkain, layunin ng aktibidad na palakasin ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa ng mga taga-Tondo sa panahon ng kapistahan.
“Bilang paghahanda sa masayang pagdiriwang ng pista sa Tondo, Maynila, nakapagbahagi tayo ng dagdag na handa sa 3,000 pamilya. Maging masagana at masaya sana ang salusalo ng mga taga-Tondo ngayong darating na Linggo,” pahayag ni Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-list.
Ipinapakita ng programang ito ang patuloy na adbokasiya ng FPJ Panday Bayanihan na maghatid ng pagkain, pag-asa, at suporta sa mga komunidad, lalo na sa mga panahong pinagsasama-sama ang mga pamilya at magkakapitbahay.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng “Happy Fiesta Poe Tondo!”, patuloy na naninindigan ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa paglilingkod sa pamilyang Pilipino—kasama sa pagdiriwang sa oras ng saya at kaagapay sa oras ng pangangailangan.
The post FPJ Panday Bayanihan namahagi ng mga food pack sa 3,500-katao sa Tondo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments