13-anyos niluray ng 2 totoy

Napariwara ang isang 13-anyos na dalagita sa kamay ng dalawang binatilyo matapos na halinhinan siyang gahasain ng mga ito sa kanilang lugar sa Victoria, Laguna noong Biyernes ng gabi, Hunyo 3.

Dahil pare-parehong mga menor de edad pa kung kaya’t hindi na pinangalanan ng Victoria Municipal Police Station ang biktima at dalawang suspek na 13 at 17 taong gulang.

Batay sa report, dakong alas-9:30 ng gabi nang sunduin ng 17-anyos na suspek ang biktima sa kanilang lugar at dinala sa kinaroroonan ng 13-anyos na kaibigan na naghihintay sa kanila sa isang subdivision.

Pinagbantay pa umano ng mas matandang suspek ang kaibigan saka itinulak ang dalagita sa lupa at puwersahang ginahasa. Matapos halayin ay tinawag nito ang kaibigan na siya namang gumahasa sa biktima.

Nakauwi naman ang dalagita sa kanilang bahay at nagsumbong sa kanyang ama tungkol sa ginawa ng dalawang suspek.

Nitong Sabado ng umaga nagsampa ng reklamo ang ama ng biktima kung kaya’t mabilis na dinampot ng mga pulis ang dalawang suspek.

Pero, isinuko sa Department of Social Welfare and Development ang dalawang binatilyo dahil mga menor de edad pa. (Ronilo Dagos)

The post 13-anyos niluray ng 2 totoy first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments