Taas minimum wage sa Davao inaprub

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Davao region ang P47 na dagdag sa daily minimum wage sa naturang rehiyon.

Ayon sa ulat, ang P47 ay idadagdag sa dalawnag tranche, ang P31 ay sa petsa kung kailan magiging epektibo ang taas-sahod, habang ang natitirang P16 ay idadagdag sa Enero 1, 2023.

Sa oras na naidagdag na ang P47, magiging P438 na ang daily minimum wage sa Davao region para sa mga nagtatrabaho sa agriculture sector. Papalo naman ng P443 ang arawang seldo ng mga nasa non-agriculture sector, at P443 din sa mga negosyong mababa pa sa 10 ang empleyado.

Bukod dito, ang buwanang sahod ng mga domestic worker sa Davao region ay magtataas ng P1,500 para sa mga nasa siyudad at first class na bayan, habang P2,500 para sa mga nasa ibang bayan. (Mark Joven Delantar)

The post Taas minimum wage sa Davao inaprub first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments