30 pamilya binigyan ng mga biik panghanap-buhay

TATLUMPUNG pamilya ang nabigyan ng mga biik bilang bahagi ng unang batch ng Piglet Dispersal Repopulation ng Lungsod ng Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.

Aabot sa 73 piglets ang ipinamigay ng Lungsod sa mga qualified na pamilya, para magamit na panimula sa kanilang hanap-buhay, kasunod na rin ng pandemya at ang banta kamakailan ng African Swine Fever (ASF), ayon kay Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares.

Pero agad nilinaw ni Mayora Andeng na walang ASF sa Antipolo City, at wala ring ibinebentang mga karne na mula sa baboy na namatay sa ASF. Karamihan sa mga nabigyan ay mga backyard hog raisers na naapektuhan dahil sa COVID-19 at nahirapan sa pag-aalaga ng mga baboy.

“Kaya tuloy-tuloy ang mga programa tulad ng Piglet Dispersal Repopulation kung saan 30 families ang nabigyan kamakailan ng 73 piglets upang maisalba ang kanilang hanapbuhay,” saad ng alkalde.

Maituturing itong `total package’ sa mga benepisyaryo dahil hindi lang baboy kundi pati pagkain at mga gamot nito ay kasama.

“Bukod pa ito sa libreng feeds, (nagbigay din ng) vitamins at de-wormers upang masigurong lalaking maayos at healthy ang nasabing piglets. Kapit lang,” mensahe ni Mayora Ynares.

The post 30 pamilya binigyan ng mga biik panghanap-buhay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments