Rider todas sa motorsiklo vs trak

Dead on the spot ang 38-anyos na rider nang masagi ang minamaneho niyang motorsiklo ng kasabayang dump truck sa Quezon Avenue, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.

Ang biktima ay si Eric Tolentino Ibardaloza, 38, may asawa, electrician, taga-72 Lydia Sta. Monica Novaliches, Quezon City.

Agad namang naaresto si Nepali Reyes Joson, 22, binata, driver, taga-San Miguel Bulacan.

Sa report ng Traffic Sector 6 ng Quezon CIty Police District (QCPD), ala-1:00 ng madaling araw (June 6) nang maganap ang aksidente sa Quezon Avenue underpass sa Brgy. Bagong Pagasa, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PMSg Reginald J Dela Cruz, ng Traffic Sector 6, kapwa binabagtas ng biktima sakay ng Suzuki Skydrive (NE78598) at ng minamanehong dump truck (NET-2691) ng suspek ang Quezon Avenue mula sa direksiyon ng Elliptical Road patungong Manila.
Pagsapit sa underpass, nasagi ng dump truck ang sinasakyang motorsiklo ng biktima.
Sa lakas ng impak ay tumilapon ang rider at tumama ang ulo sa semento na agaran nitong ikinamatay.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property with Homicide laban sa dump truck driver. (Dolly B. Cabreza)

The post Rider todas sa motorsiklo vs trak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments