2 Akyat-bahay tiklo sa CCTV, kahol ng aso

ARESTADO ang dalawang hinihinalang Akyat-Bahay nang nabidyuhan sa Close Circuit Television (CCTV) ang isa habang binulabog ng tahol ng aso ang huli sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cavite. Sabado ng umaga

Sa ulat, dakong alas-3:00 kamakalawa ng madaling araw nang puwersahang pinasok ng suspek na si Paulo Bulacia, 30, walang trabaho ang kuwarto ng biktimang si Jennifer Brusas, 23 ng 690 Mabini St., Brgy 20, Cavite City sa pamamagitan ng screen door patungo sa terrace nito at tinangay ang dalawang cellphone nito na nagkakahalaga ng P42,000 at isang ATM Card.

Kinaumagahan, nagsumbong ang biktima sa kanilang barangay kung saan pinanood ang CCTV ng barangay at nabidyuhan ang suspek na galing ito sa Mabini St at nakilala din niya ang lalaki na pumasok sa kanyang kuwarto.

Dahil dito, agad namang nagsagawa ng follow up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon.

Dahil naman sa tahol ng alagang aso ng biktimang si John Eric Tabuzo, 40, isang Store Supervisor ng Regal Homes, Brgy. Alapan 1-A, Imus City kaya naaresto ang suspek na si Fidel Richard Pajo Saludes, 52.

Ayon sa biktima, nagising siya sa pagkakatulog dakong alas-6:00 ng umaga dahil sa tahol ng kanyang aso sa kanilang garahe kaya lumabas ito kung saan nakita niya ang suspek. na patakas..

Hinabol ng biktima ang suspek at sa tulong ng kanilang barangay ay naaresto ang huli at narekober sa kanya ang tinangay niyang cellphone. (Gene Adsuaral

The post 2 Akyat-bahay tiklo sa CCTV, kahol ng aso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments