COVID daily, aktibong kaso balik-sirit

Lumagpas na sa 22,000 mark nitong Huwebes ang aktibong kaso ng coronavirus sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y matapos ang kabuuang 2,828 katao ang bagong nagpositi­bo sa sakit, na nagpaakyat sa active tally sa 22,207.

Ang bilang ng bagong COVID case ay mas mataas kaysa sa bilang ng mga impeksiyon na naitala kahapon, Hulyo 20 na nasa 2,074, pati na rin ang average na pang-araw araw na mga kaso na naitala mula Hulyo 11 hanggang Hulyo 17 sa 2,091.

Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyon sa bansa na may pinakamataas na bilang ng positibo ng COVID sa nakalipas na dalawang linggo sa 10,636.

Sumunod dito ang Calabarzon sa 6,167 at Central Luzon sa 2,821.

Samantala, ang Quezon City naman ang numero uno sa mga lugar na may pinakamaraming naiulat na kaso sa huling dalawang linggo sa 2,188; sumunod ang Cavite sa 2,101 at Laguna sa 1,508.

Nagpalobo ito sa kabuuang tinamaan ng virus sa bansa sa 3,741,987 kabilang ang 3,659,139 nakarekober at 60,641 nasawi. (Issa Santiago)

The post COVID daily, aktibong kaso balik-sirit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments