Darren ‘nandiri’ kay Lassy

NI: ARCHIE LIAO

Sa latest entry sa vlog ni Vice Ganda, hinamon ng komedyante ang crooner na si Darren Espanto kasama ang mga kaibigang sina MC at Lassy.

Sa mga tanong, kailangang mamili si Darren sa mga pagpipiliian.

Kung hindi naman siya pipili, kailangang gawin niya ang consequence na ipagagawa ng tatlo.

Kung may aalisin daw sa ASAP, ang Lyric and Beat co-star daw na si AC Bonifacio ang bet niyang ilaglag.

Bumawi naman siya kay AC nang sabihin nitong mas magaling sumayaw ang huli kesa kay Niana Guerrero.

Sey pa niya, mas hot daw sa kanya si Kyle Echarri dahil alaga sa gym ang katawan nito.

Nag-inhibit naman sa pagsagot si Darren kung sino kina Martin Nievera at Gary Valenciano ang mas magaling na singer.

As a consequence, kailangan niyang amuyin at singhutin ang kilikili ni Lassy.

Halos nandiri naman ang biritero nang halikan siya sa pisngi ni Lassy as a consequence sa hindi niya pagsagot kung sino kina Vilma Santos o Charo Santos ang bet niya.

Sa naturang vlog, natanong din ng mga pilyong questions ang ASAP regular performer tulad ng kung ano ang pipiliin kung may concert siya: ang pagkawala ng boses o kawalan ng notes.

Ayon kay Darren, wala pa raw siyang girlfriend sa kasalukuyan pero inlabu raw naman siya lagi.

Sa tanong din kung importante pa sa kanya ang virginity na babae, sa kanila raw millennials hindi na nagma-matter ito dahil kapag pumasok daw sa relasyon ay dapat nasubukan na ang lahat para tumibay.

Dahil sa sagot na ito, maraming kibitzers ang nag-opinyon na at 21 ay hindi na virgin ang The Voice Kids finalist.

The post Darren ‘nandiri’ kay Lassy first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments