Anne mas hot partner ni Alden kesa kay Alonzo

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang ginawang pagrampa ni Anne Curtis sa nakaraang bod contest ng isang tuna brand.

Marami ang humanga sa dyosa feels ng kanyang slim body at ganda na napanatili ang freshness sa kabila ng pagkakaroon ng anak.

Ani Anne, pinaghandaan daw niya ang pagiging fit in time sa tema ng super bod.

Dahil dito, hindi maiaalis na maikumpara siya kay Bea Alonzo na kasamang rumampage ni Alden Richards sa nasabing okasyon.

Hirit pa ng ilang nagmamaldita, mas hot pa raw kung si Anne ang ipareha kay Alden kesa kay Bea.

Kahit daw nag-prepara pa ang Kapuso actress sa nasabing event, kinabog at niluma raw ito ni Anne nang walang ka-effort effort.

The post Anne mas hot partner ni Alden kesa kay Alonzo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments