DonBelle, KDLex first time magpasiklab sa US

NI: ROLDAN CASTRO

Sama-sama ang mga bigating Kapamilya stars sa kanilang patuloy na pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Star Magic sa “Beyond the Stars”. Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Hulyo 23 (Sabado).

Tunghayan ang Tatak Star Magic performances mula kina Kim Chiu, Carlo Aquino, Charlie Dizon, Andrea Brillantes, at Maymay Entrata.

Kiligin naman sa mga pasabog ng dalawa sa hit loveteams ng henerasyon ngayon na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at KD Estrada at Alexa Ilacad.

Makikanta at maki-indak sa world- class treats handog nina Janine Berdin, BGYO, AC Bonifacio, SAB, Lian Kyla, Angela Ken, Kyle Echarri, at Gigi de Lana. Magsisibi namang hosts ng programa sina Eric Nicolas at Shanaia Gomez.

Matapos ang dalawang taon simula nang magpandemiya, makakasama muli ng ating mga kababayan ang mga nasabing artista sa kanilang US tour ngayong Agosto 6 sa Kings Theater sa Brooklyn, New York, Agosto 12 sa Warfield Theater, San Francisco at Agosto 14 sa Saban Theater sa Beverly Hills, Los Angeles. Bago pa man ang pandemiya, mahigit tatlumpung taon nang naghahatid ng world-class performances ang Star Magic artists.

Bukod sa mga nabanggit na performers sa itaas kasama rin sa US sina Edward Barber, Zanjoe Marudo. First time din magkasama sa Amerika ang DonBelle at KDLex.

Huwag nang palampasin ang tsansang makita muli ang inyong paboritong artista.Bisitahin na ang mytfc.com para sa tickets sa US tour at tawagan naman ang SM Tickets (02) 8470 2222 para sa Manila Leg. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang official social media accounts ng Star Magic.

The post DonBelle, KDLex first time magpasiklab sa US first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments