Kagawad timbog sa P100K kikil

ARESTADO sa isang entrapment operation ang isang barangay kagawad dahil sa umano’y pangongotong ng halagang P100K sa kaanak ng isang drug suspek kapalit ng paglaya ng huli sa Dasmarinas City, Cavite Sabado ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Roberto Falcosantos, 59, Barangay Kagawad ng Brgy H2, Dasmarinas City, Cavite, taga-B5a Lot 71 Brgy H2, Dasmariñas City.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunsod sa reklamo ni Naila Hamdag, 32, ng Brgy Sta Lucia, Dasmariñas City.

Sa ulat ni PSSgt Gilbert Santos ng Dasmarinas City Police, bago ang pagkakaaresto sa suspek na umano’y may kilala sa PNP ay humingi ng tulong ang kaanak ng naaresto sa droga na si Jonairah Haron Macabago kaya hiningan umano ito ng P100K kapalit ng paglaya ng huli.

Pero bago naisagawa ang transaksyon ay nabanggit ito ng biktima kay PSSgt Paul Panim kaya plinano ang entrapment operation na ikinaaresto ng suspek dakong alas-2:45 kamakalawa ng hapon at pagkakarekober sa naturang halaga. (Gene Adsuara)

The post Kagawad timbog sa P100K kikil first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments