Lolit ‘kinulam’

Ni:ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat ang beteranong showbiz journalist at talent manager na si Lolit Solis sa mga nagpakita ng concern sa kanyang health condition.

Aminado naman kasi si Manay Lolit na sa kanyang edad na 75 ay may dinaramdam na rin siya sa kanyang katawan.

Aniya, kung may isa man daw taong matutuwa kung sakaling mategi siya, ito raw ay walang iba kundi umano ay si Bea Alonzo.
“Talagang appreciate ko ang mga friends na lagi na ay inaalala ang condition ko. Dahil si Bea Alonzo lang naman ang sasaya pag nawala ako,” ani Manay Lolit.
Hirit pa niya, sa kabila ng lahat, marami pa raw naman siyang mga kaibigan at mga tagasubaybay na nagdadasal para sa kanyang kalusugan.
“Kaya Sorry Bea, mas malakas prayers nila Leo Espinosa , hah hah hah,” pahabol pa niya.
Hindi naman niya ikinaila na kahit may nararamdaman ay madalas pa ring sumasagi sa isip niya si Bea.
“Kaloka talaga na kahit nanghihina ako si Bea Alonzo parin ang nasa utak ko,” sey niya. “Bongga siya ha, lakas ‘kulam’ niya sa akin, joke joke joke,” dugtong niya.
Si Bea ay madalas na okrayin ni Manay Lolit sa kanyang IG posts.

The post Lolit ‘kinulam’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments