Billy aminadong dating tomador

Ni: ARCHIE LiAO

Sinadya ng TV broadcaster turned vlogger na si Karen Davila ang bahay ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia para sa kanyang vlog.

Sa panayam kay Billy, sinabi ng LOL host na malaki raw ang ipinagbago ng buhay niya nang maging Kristiyano siya at dumating sa kanya si Coleen.

Dati-rati raw kasi, aminado siyang addicted siya sa alak.

May mga pagkakataon nga raw na noong nasa It’s Showtime pa siya na pumapasok siya nang lasing.

Ilang beses na rin daw siyang nasangkot sa gulo at nadala na rin sa presinto dahil sa impluwensiya ng alak.
Dagdag pa niya, hindi raw siya prinessure ni Coleen na iwasan ng alak.

Dumating na lang daw siya sa puntong nagising siya isang araw na gusto na niyang magbago.
Sa ngayon, happy at fulfilled daw siya sa piling ng kanyang misis at anak na si Baby Amari.

The post Billy aminadong dating tomador first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments