Marburg virus nagbabanta sa ‘Pinas

Namimiligrong gumapang rin sa Pilipinas ang Marburg virus, ayon sa babala ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante.

Paalala ni Solante, dapat maging handa ang mga ospital sa Marburg virus, na isang highly infectious disease tulad ng Ebola.

“Sa akin, hindi ‘yan remote na puwede tayong pasukan dito just like any other emerging and reemerging infectious diseases. We always try to prepare for that na hindi makapasok. O kung makapasok man, dapat preparado ang mga healthcare facilities natin,” pahayag ni Solante sa Laging Handa briefing.

Samantala, mababa naman umano ang posibilidad na makapasok sa bansa ang Marburg virus, ani Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

“I think the risk of this [entering] our country at ito’y kumalat sa ating bansa ay napakababa,” lahad niya.

“Nevertheless, siyempre laging handa dapat,” paniguro nito. (IS)

The post Marburg virus nagbabanta sa ‘Pinas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments