Pagcor, iba pang GOCC bet isapribado ni Win

May ilang paraan para madagdagan ang kita ng gobyerno bukod sa pagpataw ng bagong buwis sa tao tulad na pagsapribado ng ilang government-owned and controlled corporations (GOCCs) kagaya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, susunod na chairman ng Senate ways and means committee sa 19th Congress, ilang beses nang tinutulan sa mga nagdaang administrasyon ang pagsapribado ng ilang GOCCs subalit ang totoo aniya’y makakatulong ito para sa dagdag ng revenue ng pamahalaan.

“Government should be in the business of governance and there are so many GOCCs that can be privatized and let the private sector run it,” sabi ni Gatchalian.

Bukod sa privatization, sinabi ni Gatchalian na dapat ring padaliin ng gobyerno ang pagbubuwis sa ‘micro, small, and medium enterprises’ para madali silang makapagbayad ng kanilang obligasyon. (Dindo Matining)

The post Pagcor, iba pang GOCC bet isapribado ni Win first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments