‘Iba’ng Saya Pag Sama-Sama’ kinarir ng TV5

NI: ROLDAN CASTRO

Ngayong Hulyo, inilunsad ng TV5 ang kanilang pinakabagong Station ID na naghahatid ng mensaheng pagkakaisa sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang programa na may pagpapahalaga ng katangiang Pilipino.

Sa kanilang bagong campaign na “Iba’ng Saya Pag Sama-Sama,” ipinagmamalaki ng TV5 ang kanilang mga talentadong artista, mga dekalibreng palabas para sa lahat ng mga manonood, at pinakamahusay na mga programa sa telebisyon hatid ng Cignal Entertainment, Brightlight Productions, ABS-CBN, Sari-Sari Network, Inc., at marami pang iba.

Ibinida sa “Iba’ng Saya Pag Sama-Sama” Station ID ang mga bago at paparating pa na palabas sa TV5. Ito ay pinangunahan ng cast ng Oh My Korona kasama si Majestic Superstar Maja Salvador; Suntok sa Buwan na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Elijah Canlas at Maris Racal; at ang Darna, hatid ng ABS-CBN, kasama sina Jane De Leon, Joshua Garcia, Janella Salvador at Zaijan Jaranilla.

Tampok din dito ang mga Kapatid hosts, celebrities, news anchors at athletes mula sa kanilang network flagship shows na Sing Galing, News5, Frontline Pilipinas, at PBA. Ipinakita rin ang iba’t ibang mga programa na kasalukuyang pinapalabas sa TV5 tulad ng Lunch Out Loud ng Brightlight Productions, Rolling In It Philippines Season 2 ng Sari-Sari Network, Inc., at ang FPJ’s Ang Probinsyano, 2 Good 2 Be True, A Family Affair, Love in 40 Days, at ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN, upang ibahagi na talagang masaya kapag lahat ay sama-sama.

“It is such a groundbreaking feat to finally bring together all these talented stars in a way that was never thought possible before. We are proud to achieve this in TV5, and it truly gives more meaning to the network’s new ‘Iba’ng Saya Pag Sama-Sama’ campaign. This Station ID serves as a glimpse of what we have in store for our viewers in the coming days and months, showcasing TV5 as the platform that features the stars and programs from some of the industry’s top content producers,” aniya ni Cignal TV at TV5 President at CEO Robert P. Galang.

Dagdag pa sa groundbreaking feats ng Kapatid network ay ang paparating na back-to-back na pagpapalabas ng dalawang powerhouse shows na babaguhin ang takbo ng Philippine TV. Simula ngayong Hulyo 16, ang Lunch Out Loud ng Brightlight Productions at It’s Showtime ng ABS-CBN ay magpapalakas sa bagong Lunchtime Saya block ng TV5. Tiyak na ito’y aabangan ng mga manonood para sa kanilang pang-araw-araw na noontime entertainment.

Abangan ang bagong “Iba’ng Saya Pag Sama-Sama” Station ID sa Facebook page ng TV5 at YouTube channel o bisitahin ang link na ito: https://ift.tt/12UdxOG. Manatiling nakatutok sa TV5 para mapanood ang mga upcoming shows at mga bagong sorpresa hatid ng network.

The post ‘Iba’ng Saya Pag Sama-Sama’ kinarir ng TV5 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments